ATTENTION: In less than a minute you will discover....

"How To Automatically Earn Money In Stock Market Even If You're A Beginner"

Fill in your Name & Email Below To Discover This Secret System For A Limited Time Only!
And Will Be Giving A Free E-book Especially For You.

First name:


Last name:


E-mail:


*Your details will be strictly confidential. It will never be sold or shared.

Truly Yours,
ExtraLearning

Friday, November 8, 2019

White Card (PGH)

White Card (PGH)


Ang White Card ay para sa mga Class D or indigent na pasyente ng PGH.

Paano makakuha nito?

Kinakailangan na magkaroon muna ng Blue Card bago ka mabigyan ng White Card. Ang White Card ay makukuha sa Medical Social Service ng PGH.
Sumasailalim sa evaluation ng Medical Social Worker ang mga pasyente na walang kakayahan o hirap matugunan ang mga pangangailangan sa gamutan.

Ano ang mga kailangan dalhin?

  • Blue Card
  • Mga request ng examination
  • Mga reseta ng gamot
  • Referral ng doktor

Blue Card (PGH)

Blue Card (PGH)

Ang blue card ay isang identity card or pagkakakilanlan ng pasyente. Nakasaad din dito ang schedule ng check up, follow up at ibang examinasyon na gagawin sa pasyente.


Paano kumuha ng blue card (PGH)

Upang makakuha ng blue card ay kailangan magpakonsulta muna sa OPD section ng PGH (Faura wing entrance)

Una ay pipila ka sa triage section upang malaman kung saan na doktor or specialist ka ipapa-checkup. Bibigyan ka nila ng papel na naglalaman ng pagkakakilanlan ng pasyente at ito ay iyong sasagutan.

Pagkatapos nito ay ituturo nila kung saan departamento ka pupunta para matignan at doon na nila i-proproseso ang pag gawa ng iyong blue card.

Friday, July 5, 2019

Tips and guides sa pag check-up sa PGH

This is based through experience ko sa pag check-up sa PGH. Actually ang anak ko yung pinacheck-up ko specifically sa mata nya and gusto ko lang i-share yung experience and also magbigay ng tips para sa mga first time na mag papa check-up sa PGH.

Ang papatingin o pag papacheck-up sa PGH ay sa may OPD section (Padre Faura St. Cor. Taft Ave.). Pipila doon para makakuha ng papel o form tungkol sa impormasyon ng pasyente at para malaman kung saan department ka dapat pumunta para sa papacheck-up mo. In my case, pag tapos namin ma triage pinadiretsyo kami sa optha na section, katabi lang mismo ng triaging para ipakita ang papel na binigay ng nag ttriage, after nun pinapunta na kami sa SOJR Building ng PGH (

Sentro Oftalmologico Jose Rizal) at ibigay ang papel sa gwardiya para maipila ka. Tatawagin ang pangalan ng pasyente kapag sunod na sya na checheck-upin. In my case, dito pa lang sa part na ito nagawan kami ng blue card. Natignan na ng doctor ang anak ko at mag proceed na sa pag gamot ng mata ng anak ko. Sa case ng anak ko meron syang ROP o Retinopathy of prematurity, kakailangan i-laser ang mata nya para maiwasan ang pagkabulag at kinailangan din operahan  kasi medyo nasa late stage nadin ang ROP nya. Tip lang din, kung ikaw ang pasyente at may philhealth ka, doon na nila kukunin ang pang gastos sa mga procedure na gagawin, kung dependent mo naman ang pasyente at naka declare ito sa philhealth mo, ito ay macocover din nila. If ever man na kinulang ang benefits ng philhealth mo, irerefer ka nila sa malasakit center na nasa loob lang din mismo ng PGH para mabigyan or mapunan ang kakulangan ng philhealth mo. Halos wala din kaming binayaran kundi mga gamot lang na kelangan bilhin para sa mata.


FAQ:

Ano ba ang blue card?

Ang blue card ay isang I.D ng pasyente ng PGH, nakalagay dito ang information tungkol sa pasyente at mga schedules ng check up or examinations na gagawin sa pasyente. Ang blue card ay para sa lahat ng pasyente ng PGH private man o charity.

Saan makakakuha nito?

Sa OPD ng PGH (Padre Faura St. Cor. Taft Ave.) ang unang step para makakuha ng blue card. Bibigyan ka ng papel at ilalagay mo ang impormasyon tungkol sa pasyente. Pagkatapos nito ay papapuntahin ka sa department na pag papacheck upan mo at dun ka nila bibigyan ng blue card.

Tips na mga dapat gawin?

Magprepare ng mga kakailangan na mga gamit o pagkain pagpunta ng PGH. Expect nyo kasi na mahaba ang pila at marami din talagang nag papatingin doon.

Mga bagay na dapat dalhin:
Ballpen
Envelope
Documents (tungkol sa ipapacheck-up mo if ever na galing ka na sa ibang ospital or kung may referral na galing sa ibang ospital).
Valid I.D's mo at ng pasyente
Philhealth I.D or MDR form
Tubig
Of course, Pera
at Mahabang pasensya...

Ang bukas ng OPD ay 6 ng umaga at ang cut off ay 3 ng hapon. So dapat maaga pumunta para sa pila.


White Card (PGH)

White Card (PGH) Ang White Card ay para sa mga Class D or indigent na pasyente ng PGH. Paano makakuha nito? Kinakailangan na magkaroo...